Friday, October 22, 2021

Tarlac City Mayor Cristy Angeles gets ready for devolution

Sep 22, 2021 @ 16:45
Spread the love

With the devolution which will give more power to local government units taking effect soon, this Politiko is already doing the preparatory works.

Tarlac City Mayor Cristy Angeles took to facebook and gave an update to the transition plan orientation for barangay officials.

“DEVOLUTION TRANSITION PLAN NG TARLAC CITY: Bilang bahagi po ng paghahanda natin sa Devolution Transition Plan (DTP) na isasakatuparan na sa susunod na taon sinimulan po natin ngayong Martes, September 21, 2021 ang Orientation and Seminar Workshop sa mga barangay officials.

Alinsunod sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, Supreme Court Ruling on Mandanas-Garcia Petitions at Executive Order No. 138, layunin ng pagkakaroon ng DTP na mabigyan ng higit na kapangyarihan ang mga Local Government Unit (LGUs) na tugunan ang pangangailangan ng nasasakupan. Kalakip ng dagdag responsibilidad na ito ang sapat at makatuwirang mapagkukunan ng resources.

Nagpapasalamat po tayo sa DILG Tarlac na pinangungunahan nina City Local Government Operations Officer Engr. Robert Diola at Provincial Director Yen Herman sa kanilang assistance sa nasabing programa. Gayundin sa lahat ng mga barangay na dumalo sa unang araw ng programang ito na pinamunuan ni Coun. Winston Torres, Liga ng mga Barangay President.

Hangad po natin na maging handa at mapabuti ang kaayusan sa lungsod at pamumuhay ng bawat residente. Isa lamang to sa mga hakbang para sa mga susunod na taon upang mas maging handa at responsable sa mga trahedya o sakuna na darating,” she said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.