Monday, November 29, 2021

SJDM City Mayor Arthur Robes among BEST magazine Faces of Success 2021

Oct 18, 2021 @ 14:05
Spread the love

San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes was recognized as one of the Faces of Success 2021 alongside Pasig City Mayor Vico Sotto and talkshow host Boy Abunda.

“Isang malaking karangalan na ako’y gawaran bilang isa sa mga Faces of Success 2021. Isang malaking prebelihiyo na mapabilang sa kanilang hanay at listahan. Mula sa umpisa sa aking panunungkulan bilang mayor, pinangako ko na sa aking sarili na gagawin kong maunlad at progresibo ang ating lungsod. Ngayon, sa tulong na rin ng ating mga partners sa National Government at ng ating kababayan, ang San Jose Del Monte City ay isa nang Highly Urbanized City na maaring maipagmalaki.

Kasama ko sa pagkilala na ito ang aking mga kasamahan sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte dahil sa masipag at mahusay nilang pag-alalay sa akin upang tugunan ang mga pangangalangan ng ating mga kababayan lalo na ngayong pandemya.

Ang award na ito ay pagkilala na rin sa kasipagan at dedikasyon ng aking maybahay at ka-partner na si CongW. Ate Rida Robes na walang sawang naglilingkod para sa kapakanan ng bawat pamilyang San Joseño.

Makakaasa po kayo na ang award na tulad nito ay nagbibigay insentibo para gumawa pa ng mga makabubuti para sa inyo at patuloy po akong magbibigay ng serbisyo para sa inyo, aking mga kababayang San Joseño!

ARya San Joseño!

https://lemodph.blogspot.com/2021/03/philippine-faces-of-success-awardees.html

https://mb.com.ph/2021/09/28/philippine-faces-of-success-awardees-bared/,” he said.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=417932886362456&id=100044372441772

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.