Friday, July 1, 2022

Outgoing Mariveles Mayor Jocelyn Castaneda to claims of incoming Mayor AJ Concepcion: Nakikipag-cooperate kami sa transition

Jun 17, 2022 @ 13:30
Spread the love

Looks like emotions still run high in Mariveles, Bataan as outgoing Mayor Jocelyn Castaneda reacted to the statements of Mayor-elect AJ Concepcion on the two administration’s transition.

On facebook, Mayor JoCas wrote a lenghty letter explaining her side on the allegations that her office is not cooperating with the new administration.

“Magandang araw po sa lahat.

Bilang pagsagot sa pahayag ng parating na punongbayan ng Mariveles, na dapat sana’y hindi na umabot sa ganito sa kadahilanang sinagot naman po ng ating opisina ang kanilang mga sulat at buong katapatang ipinahayag ang katotohanan na nasa proseso pa ang mga iba’t-ibang departamento ng pagsasaayos ng mga dokumento para sa transisyong magaganap.

Ang pagsagot po natin sa mga liham na ito ay hindi pagpapakita ng kawalan ng respeto kundi pagsasabi ng totoong sitwasyon at proseso na ginagampanan ng bawat kawani ng ating administrasyon. Ginagawa po natin ang lahat upang maging maayos ang transisyon tungo sa bagong administrasyon sa lalong madaling panahon.

Noong 2019, hindi po natin sila ginambala magpahanggang June 29, 2019 bilang pagbibigay respeto sa kasalukuyang nakaupo rin noon. Sana ay ganoong respeto rin po ang kaya nilang ibigay ngayon. May ibinigay na po tayong petsa para sa mangyayaring transisyon, June 28, 2022, bilang pagpapahayag ng ating pakikiisa sa maayos na pag-endorso ng lahat ng dapat mailipat sa bagong pamunuan.

Nakakalungkot na nasasabi ng bagong uupong mayor na wala tayong koordinasyon kung nagbigay naman na po tayo ng petsa para sa mangyayaring transisyon. Mali rin po siguro na apurahin tayo dahil lamang sa hindi sila makapaghintay at sila po pa ang magbibigay ng petsa at lugar samantalang itong mga nalalabing araw na ito hanggang June 30, 2022 ng tanghali ay sakop pa ng ating panunungkulan, na dapat sana ay hindi na kailangang sabihan na irespeto muna rin nila.

Makakaasa po kayo na ginagawa po natin ang lahat upang maging maayos at pulido ang mangyayaring transisyon para sa ating mga minamahal na kababayan, na siyang ating palaging isinasaalang-alang magpahanggang ngayon. Katulad po ng ating sinumpaan at ginagampanang tungkulin, hangad pa rin po natin ang maayos, tapat, makatao, makakalikasan at punong-puno ng malasakit sa nasasakupan na pamamahala sa ating bayan.

#AkoTayoAngMariveles,” she said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.

 
شكـراً