Friday, July 1, 2022

Mariveles Mayor-elect AJ Concepcion dismayed over outgoing Mayor Jocelyn Castaneda’s lack of cooperation for transition

Jun 17, 2022 @ 12:45
Spread the love

Mariveles Mayor-elect AJ Concepcion will took office by June 30 in the afternoon but he is still waiting for the cooperation of the outgoing administration for the talks on transition, he said on a facebook post.

“Magiging tapat po ako na nadismaya ang inyo pong lingkod sa kawalan ng kooperasyon mula sa kasalukuyang administrasyon patungkol sa isang maayos na transisyon sa pagitan ng nakaupo at susunod na administrasyon.

Sa unang linggo pa lamang po ng Hunyo, ating ipinaabot na ang ating interes na magkaroon ng inisyal na pagpupulong sa pagitan ng kasalukuyan at susunod na administrasyon, ngunit ito’y tinanggihan sa kadahilanang may mga naka-schedule silang gawain.

Sa ikalawang pagkakataon, ang inyo pong lingkod ay humiling muli ng pagpupulong ngunit tayo po ay muling nabigo. Nakakalungkot po dahil ang ninanais natin ay isang maayos na transisyon para hindi maantala ang iba’t ibang serbisyo publiko at gawain sa pamahalaan pagpasok ng Hulyo. Marami ang mga dokumentong kinakailangang isumite at ang mga ito ay masusing pag aaralan at ibeberipika upang matiyak na kumpleto, naaayon at may tamang pananagutan o accountability sa mga kagamitan at pondo ng bayan.

Sa ating paglilingkod, uunahin po natin ang kapakanan ng bawat pamilyang Mariveleño. Sisikapin pa rin po natin na matugunan ang mga pagkukulang na ating kakaharapin pagpasok ng ating panunungkulan at hindi magiging balakid ang ganitong klaseng pagtrato sa inyo pong lingkod.

#1Bataan
#YesMariveles,” he said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.