Friday, July 1, 2022

Mariveles Councilor Jaja Castaneda thanks VP Leni, OVP for vaccine expres

Nov 30, 2021 @ 12:59
Spread the love

Mariveles Councilor Jaja Castaneda is over the moon with the 823 recorded COVID-19 jabs from the Office of the Vice President’s vaccine express initiative.

“823 jabs para sa first wave ng Vaccine Express sa Mariveles at ang kauna-unahang sinimulang iorganisa sa buong Region 3!!! 😭🙏

Taos pusong pasasalamat po sa bumubuo ng Office of the Vice President at sa lahat ng kanilang medical volunteers na hindi nag-atubili na tumulong sa ating layunin na lalo pang mapalaganap ang bakuna kontra COVID-19 sa Mariveles at tuluyan nang waksan ang bantang dala nito. Maraming maraming salamat pong muli at magkita-kita po ulit tayo sa January para sa ating second wave na kukumpleto sa ating target na 1,500 jabs! ❤️

Nais ko rin pong magpasalamat sa ating mga kasama mula sa Mayor’s Office sa pangunguna ni Mayor Jocelyn P. Castaneda, MHO, MIS, PSO, MDRRMO, GSO, MENRO, MPS, DepEd – Balon Elementary School at sa mga opisyales at tanod ng Barangay Balon Anito sa pagsuporta at pagpapagal upang maging matagumpay ang pinakamalaking Pop-Up Vaccination Project natin! Napakapalad po ng ating mga kababayan na may mga naglilingkod na tulad ninyo! Pati na rin po sa ating mga volunteers mula sa PUP, MMWGH at MariveLeni, maraming maraming salamat po! 💖

Sa ating MVE Core Team (Lorrain Joy Fabila, Ceries D. Glean, John Deihl Pineda, Jim de Leon, Albert Mendoza, Ma’am Jojie Madahan and Sir Den Villarreal), gusto ko kayong iyakan sa sobrang pasasalamat ko sa inyo. Kay Tita Einna Seyer na muna tuloy ako napaiyak kagabi sa sobrang gratitude 😭😅 Salamat po! Mahal ko kayo!

At syempre po, sa ating mga kababayan na sumuporta sa ating programa kahapon at di inalintana ang pila para mabakunahan, maraming salamat po! Ang lahat ng ito po ay para sa inyo! Lahat po ay gagawin natin upang wala nang mapinsala ang sakit na ito at patuloy nang maging ligtas ang lahat ng ating mga kapamilya dito sa ating bayan. Sulit po ang lahat ng puyat at pagod dahil sa inyo! Kitakits po tayo sa inyong 2nd dose at sa 2nd wave ng Mariveles Vaccine Express! ❤️

Mabuhay po kayong lahat at mabuhay ang minamahal nating Bayan ng Mariveles,” she said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.