Friday, May 20, 2022

Gelo Vargas to newly-elected Aliaga Mayor: Nawa’y paglingkuran nyo ang bayan

May 11, 2022 @ 15:27
Spread the love

On his concession message, Aliaga Mayor Gelo Vargas addressed his successor Gilbert Moreno.

After accepting his defeat on his reelection bid, the politiko asked newly-elected Mayor Moreno to serve the municipality with all his heart.

“Mahal ko ang Aliaga. Mahal ko ang mga Aliageño. Magkaiba man sa politika, lahat kayo ay mahal ko.

Mula sa pagka-SK, Sanggunian, hanggang sa niluklok nyo ako bilang mayor, ginawa ko ang lahat. Kahit na madaming naging pagsubok, ito ay hinarap ko ng may ngiti at tapang.

Ako’y naniniwala na ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil ito ay nais ng ating Panginoon. Alam ko na itong eleksyon, maraming natuwa at maraming nasaktan. Pero Kailangan nating harapin ang ating kinabukasan.

Minahal nyo po ako dahil naniniwala kayo sa akin. Kaya ako’y nakikiusap sa inyo. Atin pong ipagdasal at suportahan kung sinuman ang nanalo nitong halalan dahil makakamit lamang natin ang tunay na pagbabago at kaunlaran kapag tayo ay nagsama sama.

Tayo po ay naniniwala sa democrasya at sa boses ng tao. Sana ay makamtan na natin ang pagbabago at kaunlaran na hinahangad nating lahat.
Kay Mayor Gilbert Moreno, Vice Mayor Win Javaluyas at sa buong konseho: nawa’y paglingkuran nyo po ang Bayan ng Aliaga ng buong puso at walang bahid ng pulitika.

Salamat sa lahat ng mga taong naniwala, sumuporta, at nagsikripisyo para sa Team Gawa Hindi Salita. Tandaan na Isang araw lang ang eleksyon. Matuto tayong magpatawad at tumanggap. Dahil ang pulitika ay hindi permanente, pero ang relasyon natin bilang Aliageño ay pang-habang buhay.

Mahal ko kayong lahat.
Hanggang sa muli,
Gelo Vargas

#AngInyongLingkod #MayorGeloVargas #AliagaNuevaEcija #TeamGawa,” he said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Tags:
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.