Sunday, September 19, 2021

Garcia: While waiting for Covid vaccine, inoculate your kids against measles, polio

Feb 2, 2021 @ 15:21
Spread the love

Bataan Governor Albert Garcia on Monday reminded parents to have their children vaccinated against diseases like measles, rubella and polio.

“Habang kinakaharap natin ang pandemya ng Covid-19 sa ating bansa, mayroon din tayong mga binabantayang iba pang banta,” he said in a Facebook post.

“Nakakabahala ang pagtaas ngayon ng kaso ng tigdas, rubella, at polio sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya. Mahirap at napakabigat para sa ating lahat ang sabay-sabay na pagsagupa sa mga sakit na ito kasabay ng pandemya. Ngunit maaari natin maiwasan ang dagdag na alalahanin na dulot ng tigdas, rubella, at polio sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng ating mga anak,” he said, citing a Department of Health advisory.

“Inaanyayahan ko ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa gagawing Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity ng DOH sa buong Central Luzon kung saan kabilang ang ating probinsya ngayong darating na Pebrero 1 hanggang 28,” he said.

“Bibigyan ng dagdag na proteksyon laban sa Measles-Rubella ang mga batang may siyam (9) na buwang gulang hanggang limampu’t siyam (59) buwang gulang. Babakunahan din ng Oral Polio Vaccine ang mga batang kakasilang pa lamang hanggang limampu’t siyam (59) buwang gulang, nabakunahan man sila dati o hindi pa,” he added.

“Ang mga bakunang ito ay libre, ligtas, at epektibo tulad ng mga bakunang ginagamit sa routine immunizations,” Garcia said.

“Abangan ang mga bakunador sa inyong mga bahay at barangay. Sila ay masusing sinanay sa ligtas na pagbabakuna. Mahigpit ring ipapatupad ang pagsuot ng face mask, face shield, physical distancing, at ang palagiang paglilinis ng mga kamay upang makasigurong ligtas ang lahat sa banta ng Covid-19,” the governor said.

“Hangga’t may mga hindi pa nababakunahan laban sa mga tigdas, rubella at polio, lalong dadami ang mga batang walang proteksiyon at malalagay sa peligro,” he said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.