Friday, October 22, 2021

Daming trolls! Bocaue Mayor JJS Santiago calls foul over angry reax on filing of COC FB post

Oct 11, 2021 @ 15:30
Spread the love

Bocaue Mayor JJS Santiago couldn’t help but post an official statement over the “troll attack” on a Facebook post regarding his and his slate’s filing of Certificate of Candidacy.

“OPISYAL NA PAHAYAG PATUNGKOL SA PAG-ATAKE NG TROLL ACCOUNTS SA ATING OFFICIAL PAGE

Kanina habang tayo ay nagsumite ng Certificate of Candidacy, nakatawag pansin sa atin ang napakadaming naka-ANGRY REACT sa ating post na nagpapahayag ng ating pagpa-file ng COC.

Nakakabahala sapagkat ang gumawa nito ay nais takpan ang katotohanan na masaya at nagagalak ang bawat Bocaueño sa pagtindig nating muli para ipagpatuloy ang ating mabuting paglilingkod.

Noong pinatignan natin ang mga Facebook account ng mga ito ay napansin ng ating mga staff na karamihan ay DUMMY ACCOUNTS, naninirahan sa Bukidnon, Zamboanga, at maging sa Bantayan, sa probinsya ng Cebu — na ayon sa mga balita ay ginagastusan ng malaki para lamang makasira sa kalaban sa pulitika.

Imbis na gumatos sa mga ganitong masamang paraan ng pamumulitika, itulong nalang po ninyo sa mga nangangailangan ng gamot, pambayad sa ospital, at mga mahihirap na kailangang ng pantawid gutom.

Nakakalungkot dahil gumagamit pa ng mga ganitong paraan at pinipilit pabagsakin ang magandang ugnayan ng Pamahalaan at ng mga TUNAY NA BOCAUEÑO na patuloy nating pinagsusumikapang iangat sa ating pamumuno.

Maging babala sana ito sa bawat isa na huwag magpabulag sa mga propaganda ng kalaban.

Gayunpaman, naniniwala po tayo na matatalino ang mga Bocaueño at ang lahat ay kasama natin sa pagnanais na makamit ang tiyak na magandang kinabukasan.

Magkaisa po tayo para itaguyod ang patuloy na pag-angat ng ating Bayan. Tuloy-tuloy ang mabubuting pagbabago, tuloy-tuloy ang pagbibigay pag-asa sa bawat Bocauenio!

Maraming salamat po!,” he said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.