Monday, November 30, 2020

100 Bataan barangays recognized for being ‘Covid-19-free’

Nov 7, 2020 @ 14:57
Spread the love

Bataan Governor Albert Garcia on Thursday expressed his gratitude to local leaders in the province for their relentless effort to contain the coronavirus pandemic.

He recognized 100 villages that received the 1Bataan Seal of Covid-free barangay for reducing Covid cases in their area by 20 percent or maintaining a zero infection rate.

“Minsan pa ay ating napatunayan na sa ating laban sa Covid-19, ang pagkakaisa at pagtutulungan nang lahat ng sangay ng Pamahalaan mula nasyonal, panlalawigan, mga kinatawan sa kongreso, mga munisipyo, hanggang sa mga barangay, ang siya pa ring mabisang armas tungo sa tagumpay,” the governor said.

“Kahapon, ika-5 ng Nobyembre, sa ilalim ng 1Bataan Seal of Covid-free barangay, sa ikatlong pagkakataon ay muli po tayong naggawad ng mga insentibo at parangal sa mga barangay na nakapagpababa ng 20 percent sa bilang ng Covid cases o nakapagpanatili ng ZERO Covid case sa kani-kanilang mga nasasakupan,” he said.

“Sa ikatlong pagkakataon ay kasama na po natin ang mga munisipalidad ng Dinalupihan, Limay, Mariveles, Morong, Orani at Orion. Sila po ang mga bayan na ayon sa datos ay dating nakapagtala ng matataas na bilang ng nagpopositibo noong mga nakaraang lingo,” Garcia said.

“Nagagalak po akong ibalita sa inyo na matapos ang masusing validation ng ating Provincial Health Office (PHO) na pinangungunahan ni Dra. Rosanna Buccahan, 100 barangay ang ating ginawaran ng pagkilala sa kanilang di-matatawarang sakripisyo upang mapangalagaan ang ating mga kababayan sa kani-kanilang nasasakupan,” he said.

“Sa ating pagkakaisa, ako po ay nakakikita ng pag-asa na mapagtatagumpayan natin ang laban na ito. Hindi po ako magsasawang paalalahanan ang lahat na sundin ang mga tagubiling pangkaligtasan ng pamahalaan upang patuloy nating maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating minamahal na Lalawigan ng Bataan,” Garcia said.

“Muli, maraming salamat po sa inyong lahat, lalo na sa mga front liners na hindi tumitigil magsilbi sa ating kapwa sa loob ng walong (8) buwang paglaban sa pandemyang ito,” Garcia said.

Politiko would love to hear your views on this...

Spread the love
Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.